Dagdag na 14 bicycle racks, inilagay sa mga MRT-3 station

Karagdagang 14 bicycle racks ang inilagay ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector sa mga istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ay bilang suporta sa kaligtasan ng mga pasaherong bumibiyahe gamit ang bisikleta.

Naglagay ng tig-iisang bike rack sa mga sumusunod na istasyon:
– Cubao
– Santolan
– Ortigas
– Shaw Boulevard
– Boni
– Guadalupe

Apat namang bicycle racks ang inihanda sa bahagi ng Buendia station.

Sa North Avenue at Quezon Avenue station, tig-dalawang bike racks ang pwede nang magamit ng mga pasahero.

Nasa tatlo naman ang inilagay na bicycle racks sa GMA-Kamuning station.

Dahil dito, umabot na sa 17 ang nailagay na bicycle racks sa mga istasyon ng MRT-3.

Sinabi ng pamunuan ng tren na target maglagay ng kabuuang 34 bike racks sa lahat ng istasyon mula North Avenue hanggang Taft Avenue.

Libre itong ipapagamit sa mga pasahero araw-araw.

Paalala naman ng pamunuan ng MRT-3, huwag mag-iwan ng mga mahahalagang gamit at maging maingat tuwing gagamit nito dahil hindi pananagutan ng MRT-3 ang anumang bagay na mawawala o masisira.

Read more...