Sa datos ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-12:22 tanghali ng Martes (September 1).
May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Una ng naitala ang magnitude 3.2 na aftershock kaninang alas-9:44 ng umaga.
Ang mga pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan, Masbate noong August 18.
MOST READ
LATEST STORIES