Pangulong Duterte may napili nang bagong PNP chief

Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng magiging bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kagabi dapat ay iaanunsyo na niya kung sino ang hihiranging bagong PNP chief na papalit sa magreretiro na si Gen. Archie Gamboa.

Pero sinabihan umano siyang huwag munang gawin ang pag-aanunsyo.

Sinabi ni Roque na dahil pina-hold ang pag-anunsyo, hindi na rin muna niya papangalanan kung sino ang napili ng pangulo.

Bukas, Sept. 2 ang nakatakda ang pagreretiro sa pwesto ni Gamboa.

Ang tiyak ayon kay Roque, si PLt. Gen. Camilo Cascolan ang magiging officer-in-charge kapag nagretiro na si Gamboa.

Si Cascolan kasi ang next in line sa PNP.

 

 

Read more...