Ito ang paniniwala ni Sen. Sonny Angara kaya’t aniya dapat ay gayahin ng PhilHealth ang GSIS at SSS na may sistema sa pag-validate ng status ng kanilang mga miyembro.
Sinabi ito ng senado dahil sa reklamo ng isang miyembro ng PhilHealth na nadiskubre na limang taon na siyang patay nang magpa-update ng kanyang membership sa ahensiya.
Dahil aniya hindi pa fully automated ang ginagamit na sistema ng PhilHealth kaya’t nagagawa ng ilang tiwali sa ahensiya na maniobrahin ang pondo.
Inirekomenda din ng senador na kailangan din dagdagan ng Philhealth ang kanilang medical reviewers, anti-fraud officers, data scientists, data analytics personnel, at kung maari ay kumuha din ng mga artificial intelligence and big data experts.
Bukod dito, inirekomenda din ni Angara ang pag-amyenda sa Universal Health Care Act para magkaroon ng mandatory audit sa paggamit ng pondo ng ahensiya gayundin para mabusisi ang kanilang financial report ng Congressional Oversight Committee, Senate Committee on Finance at House Committee on Appropriatons.
Samantala, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na ‘very good choice’ si dating NBI Dir. Dante Gierran bilang bagong presidente ng Philhealth.
Aniya malinis ang service record ni Gierran at magagamit nito ang kanyang husay sa pag-iimbestiga at accounting para matuldukan ang mga anomalya sa PhilHealth.