Pangulong Duterte may marching order na sa bagong PhilHealth president

“Maghanap ka ng ipakukulong”.

Ito ang marching order kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong PhilHealth President Dante Gierran.

Ayon sa pangulo, kailangan may maiwan sa kulungan na mga corrupt na PhilHealth officials.

Pangako ng pangulo, gugugulin niya ang huling dalawang taong panunungkulan sa Malakanyang sa paglaban sa korapsyon.

Ayon sa pangulo, dumudugo at nadudurog ang kanyang puso kapag may korapsyon pa rin sa pamahalaan.

Pinatatanggal din ng pangulo kay Geirran ang lahat ng mga regional vice president ng PhilHealth.

Kung hindi magpapatanggal ang mga regional vice president, pinagre-report niya ang mga ito sa Malakanyang.

Ayon sa pangulo, mukhang matapang naman si Gierran lalo’t mataas na umano ang kanyang hairline.

 

Read more...