Walo arestado sa pag-iinom sa videoke bar sa Lucena City

Arestado ang walong katao sa loob ng isang videoke bar sa Lucena City dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

Ayon kay Police Lt. Colonel Romulo Albacea, Lucena police chief, ang mga nadakip ay kinilalang sina Mark Bevezo, Jumer Estokato, Jewine Teves, Jojo Otunes, Francisco Catipon, Aljhon Dela Pena, Wilfredo Bocado, at Merlou Cleope.

Nahuli ang walo na nag-iinuman sa loob ng isang bar sa Barangay Dalahican alas 12:30 ng madaling araw ng Martes (Sept. 1).

Ayon kay Albacea, lumabag ang walo sa umiiral na quarantine protocols sa Lucena City sa ilalim ng modified general community quarantine.

Sasampahan sila ng reklamong paglabag sa safety at health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

 

 

Read more...