Ilang lalawigan sa Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pagulan sa susunod na mga oras ang ilang mga lalawigan sa Central Luzon.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, ang Zambales, Bulacan, Bataan, at Pampanga ay makaraanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.

Pinapayuhan ang mga residente sa mababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...