Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 23 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-9:44 umaga ng Martes (September 1).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan, Masbate noong August 18.

 

 

Read more...