Typhoon Maysak na dating bagyong Julian nananalasa na sa Japan

Nagdudulot na ng hindi magandang lagay ng panahon sa southern Japan ang Typhoon Maysak na dating bagyong Julian.

Nananalasa ang bagyo sa main southern Island ng Japan.

Naglabas na ng typhoon warnings sa Okinawa bunsod ng malakas na hangin.

Ayon sa abiso, maaring magdulot ng pagkasira ng bahay ang malakas na hangin at maari ding magkaroon ng matataas na alon.

Ayon sa Japanese Meteorological Agency ang Typhoon Maysak ay tatama sa kalupaan ng Kyushu bago ito magtungo sa South Korea sa Huwebes.

 

 

Read more...