Global death toll sa COVID-19 mahigit 854,000 na

Sumampa na sa mahigit 850,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 850,544 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 187,224.

Sumampa naman na sa mahigit 121,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 64,100.

Sumampa naman na sa mahigit 17.9 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.8 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 187,736
Brazil – 121,515
India – 65,435
Mexico – 64,158
UK – 41,501
Italy – 35,483
France – 30,635
Spain – 29,094
Peru – 28,788
Iran – 21,571

 

 

 

Read more...