Pagsusuot ng face mask, stay-at-home policy mahigpit pa ring paiiralin sa Cebu City sa ilalim ng MGCQ

Kahit modified general community quarantine (MGCQ) na lang ang iiral sa Cebu City mahigpit pa ring paiiralin ang stay-at-home policy sa lungsod.

Ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella, patuloy ding maghihigpit sa pasusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Ipatutupad din ang curfew mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga at ire-require pa rin ang paggamit ng quarantine passes.

Aminado si Labella na matapos mapababa ang infection rate ng COVID-19 sa Cebu City ay malaking hamon sa kanila ang pag-iral na ng MGCQ sa lungsod.

Kasabay nito ay nagpasalamat si Labella sa mga residente sa lungsod sa kooperasyon para mapababa ang infection rate.

 

 

Read more...