Global cases ng COVID-19 25.6 million na

Umabot na sa mahigit 25.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang tanghali ng Martes (Sept. ) ay 25,620,737 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 237,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 37,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 48,000 ang dagdag sa kaso ng Brazil haang mahigit 68,000 ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Argentina ay nakapasok na sa top 10 na mga bansang may pinakamaraming kaso.

Ito ay matapos maungusan na ng Argentina ang bilang ng mga kaso sa Chile.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 6,210,796
Brazil – 3,910,901
India – 3,687,939
Russia – 995,319
Peru – 647,166
South Africa – 627,041
Colombia – 615,168
Mexico – 595,841
Spain – 462,858
Argentina – 417,735

 

 

 

Read more...