Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag
Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 180.37 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (August 31) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 180.60 meters.
Bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.00 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 98.98 meters habang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.00 mas mababa sa antas nito kahapon na 79:01 meters.
Samantala, ang water level ng Binga, San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.