Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 48 kilometers northeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-5:52 umaga ng Martes (September 1).

May lalim na 141 kilometers at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...