Dating NBI Director Dante Gierran itinalagang bagong PhilHealth president ni Pang. Duterte

Si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran ang uupong bagong Presidente ng PhilHealth.

Itinalaga ng pangulo si Gierran kapalit ng nagbitiw na si Ricard Morales.

Sa pulong sa Inter Agency Task Force kagabi, inanunsyo ng pangulo ang pagtatalaga kay Gierran na isa ring abogado at accountant.

Kasabay nito ay ipinag-utos ng pangulo ang pagsibak sa pwesto samga regional vice presidents ng Philhealth.

Si Geirran ay nanilbihan sa NBI mula taong 2016 at nagretiro sa pwesto noong Pebrero.

 

 

 

 

 

Read more...