Nadagdagan ng isa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Lunes, August 31) , nasa 10,070 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,188 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon pa sa DFA, 6,127 naman ang naka-recover o na-discharge na sa ospital.
Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nasa 755.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,968 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 1,165 confirmed COVID-19 positive cases.
Nasa 1,142 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 795 sa Americas.