BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa bansa 22,819 na; dagdag na 3,446 cases naitala ng DOH

Nakapagtala ng dagdag na 3,446 na dagdag na mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa case bulletin ng Department of Health (DOH) na inilabas alas 4:00 ng hapon ngayong Lunes, August 31 umabot na sa 220,819 ang total confirmed cases ng COVID-19.

Ayon sa DOH, ang dagdag na mga kaso ay mula sa resultang inilabas ng 97 out of 110 operational laboratories sa bansa.

Samantala, may naitala ding dagdag na 165 na recoveries. Dahil dito, 157,562 na ang total number of recoveries na naitala ng DOH.

Habang may naitala namang 38 pang dagdag na nasawi sa sakit.

Sumampa na sa 3,558 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

 

 

 

 

 

Read more...