Nadagdagan ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Lunes, August 31, 3PM), 2,909 ang naitalang bilang ng active cases sa lalawigan.
Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 159 na.
Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 4,473.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 7,541.
Samantala, nasa 4,966 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.
MOST READ
LATEST STORIES