Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 20,546


Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (August 31, 3:00 PM) nakapagtala ng 308 na bagong kaso kaya pumalo na sa 20,546 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 4,283
Laguna – 7,720
Batangas – 3,210
Rizal – 4,284
Quezon – 1,049

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 13,133.

Nasa 6,924na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 27 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 1,073
Laguna – 2,633
Batangas – 1,377
Rizal – 1,313
Quezon – 528

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 3 kaya umabot na sa 489 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 87
Laguna – 117
Batangas – 82
Rizal – 167
Quezon – 36

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...