Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 52 kilometers southeast ng bayan ng General Luna, alas-2:21 hapon ng Lunes (August 31).
May lalim na 17 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES