Ilang lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Souther at Central Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 12:38 ng tanghali ngayong Llunes (Aug. 31) katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Zambales, Cavite, Batangas, at Quezon.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Calamba, Laguna.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding makaranas ng landslide sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

 

 

Read more...