System loss cap, nasusunod ng mga distribution utility ayon sa ERC

Nilinaw ng Energy Regulatory Commission( ERC) na nasusunod ng mga Distribution Utilities (DUs) ang itinakda nilang system loss cap, ito ay sa harap na rin ng akusasyon ng dating Distribution Utility na Panay Electric Company(PECO) sa More Electric and Power Corporation(More Power) na mas mataas ang systems loss ang sinisingil nito sa kanilang mga customers.

Ayon kay ERC Chairman Agnes Devanadera mahigpit nilang minomonitor ang pagsunud ng mga DUs sa itinakda nilang system loss cap.

Sa ilalim ng ERC rules ang mga DUs ay kailangang magsumite ng kanilang system loss reports kada buwan gayundin ang sworn statement annual report na nagpapakita ng kanilang system loss kaya naman namomonitor ng ahensya kung mayroong hindi sumusunud.

Taong  2018 nang magpatupad na ng system loss cap na 6.5% ang ERC sa lahat ng mga DUs, layon ng hakbang na ito na mapababa ang binabayaran ng mga customer alinsunud na rin sa itinatakda ng  Electric Power Industry Reform Act(EPIRA) at para mapagbuti ng mga power supplier ang kanilang distribution system.

“The lowering of the system loss caps is a move to bring down the power rates and help electricity consumers mitigate the impact of rising costs of commodities and services. This will encourage distribution utilities (DUs) to improve their distribution system and facilities so that they adhere to the newly-prescribed system loss cap,”nauna nang pahayag ni Devanadera.

Matatandaan na binatikos ng More Power ang PECO sa paggamit nito sa kaalyadong grupong Koalisyon Bantay Kuryente(KBK) para palabasin na 7.1% ang kanilang sinisingil na system loss na mataas sa 6.5% na sya lamang itinatakda ng ERC.

Mali umano ang paninira ng PECO dahil sa katunayan mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong Pebrero 2020 ay nasa 6% system loss lang ang kanilang pinapasa sa mga Iloilo power consumers na mas mababa pa sa itinatakda ng ERC.

Nangako ang More Power na maaasahan ng 65,000 Iloilo power customers na mas bababa pa ang kanilang system loss sa loob ng susunud na 3 taon resulta na rin ng kanilang ipinatutupad na modernization program.

Dalawang klase ang system loss, ang una ay technical o ang  nawawalang kuryente habang nagtatransmit ito mula sa generation company patungo sa mga DUs kaya kung maayos ang distribution system ay mas malaki ang tiyansa na walang maaksayang kuryente, ang ikalawa ay non technical, o ang nawawalang kuryente dahil sa pilferage o pagnanakaw sa pamamagitan ng paggamit ng jumper, ang bayad sa nawawalang kuryente na ito ay sinisingil din sa mga customers sa pamamagitan ng system loss charge.

Naging kontrobersiyal noon ang mataas system loss sa Iloilo City sa ilalim ng PECO dahil na rin sa umabot ito sa 9.93% noong 2017 na pinakamataas sa lahat ng private utiliies sa bansa.

Pinakamataas din ang generation charge na sinisingil ng PECO na nasa P2.50kwh na mas mataas pa kaysa sa malalaking lugar gaya ng Manila, Cebu at Davao, tinuturing din na pinakamataas ang singil sa kuryente sa Iloilo City sa ilalim ng PECO sa mahigit 70 bansa sa buong mundo at ito ay resulta ng lumang mga distribution lines, transformers at substations na noong dekada 70 pa naitayo at ang nadiskubreng 30,000 illegal power connection.

Read more...