Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 66 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-5:27 hapon ng Lunes (August 31).
May lalim na 2 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Hindi naman inaasahan ang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Ito ay aftershock ng magnitude 5.8 na pagyanig sa Bayabas, Surigao del Sur noong July 27.
MOST READ
LATEST STORIES