Bahagi ito ng talumpati ng pangulo ngayong ginugunita ang National Heroes’ Day.
Sa kaniyang pahayag sinabi ng pangulo na ngayong araw, binibigyang pugay hindi lamang ang mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Binibigyang-pagkilala din aniya ang iba pang mga nagbuwis ng buhay at nakipaglaban sa iba’t ibang uri ng kaaway.
Ang kasalukuyang hamon na kinakaharap aniya ng bansa dahil sa krisis sa public health ay nagbigay-daan para magkaroon tayo ng “modern day heroes”.
Binanggit ng pangulo ang mga Filipino frontliner na nakikipaglaban sa pandemya ng COVID-19 hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibayong-dagat.
Umaasa ang pangulo na malalampasan ng Pilipinas ang kasalukuyang sitwasyon.
Kasabay nito hinikayat ng pangulo ang lahat ng araw-araw ay magpakita ng kabayanihan sa sariling pamamaraan para sa ikabubuti ng kinabuksan ng bansa.