Ngayong ginugunita ang National Heroes’ Day sa bansa, binigyang-pagkilala ni Vice President Leni Robredo ang kabayanihan ng mga frontliner.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Robredo na ang sakripisyo ng mga frontliner na lumalaban sa pandemic ng COVID-19 ang karapat-dapat na kilalanin ngayong araw.
Hinimok din ni Robredo ang bawat isa na ibigay ang pagmamahal hindi lamang sa pamilya at mga kaibigan, kundi sa buong komunidad at sa buong bansa.
Maliban sa mga medical professional, binanggit ni Robredo sa kaniyang pahayag ang mga community leader, government workers, uniformed services, at volunteers.
MOST READ
LATEST STORIES