Jobless na lalaki arestado sa pagnanakaw ng karne sa Taguig

Inaresto ang isang lalaki matapos mahuling nagnakaw ng karne ng baboy sa isang convenience store sa Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD) ang suspek ay kinilalang si Jeffrey Cayanan, 28 anyos at walang trabaho na residente ng Purok 4, Barangay Tuktukan, Taguig.

Nagtungo si Cayanan sa Alfamart store sa Barangay Ligid Tipas at nagkunwaring customer.

Pero nahuli itong kinuha ang pork kasim na ang halaga ay P135 at barbecue na P135 din ang presyo.

Nakita ang ginawa ni Cayanan sa CCTV footage ng convenience store.

Nahaharap ang suspek sa kasong pagnanakaw.

 

 

Read more...