Sa inilabas na earthquake information 2 ng Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER, ang lindol ay tumama ala 1:44 ng madaling araw ngayong Lunes, August 26.
Naitala ito sa layong 8 kilometers southwest ng Kiblawan.
21 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V:
– Kiblawan, Davao del Sur
– Malungon, Sarangani
Intensity IV:
– Davao City
– Digos City
– Sta. Cruz, Davao del Sur
– Tupi, South Cotabato
– Samal, Davao del Norte
Intensity III;
– Koronadal City
– Bansalan at Magsaysay, Davao del Sur
– Columbio, Sultan Kudarat
Intensity II
– Kidapawan City
– General Santos City
– Antipas at Makilala, Cotabato
Ayon sa Phivolcs hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala aftershocks ang lindol.