Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 2,952 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Umabot naman na sa 1,608 ang mga gumaling sa sakit at 1,324 na lang ang aktibong kaso.
Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte at Biliran.
Karamihan ay close contacts ng nauna nang mga pasyente.
Habang mayroon ding mga LSI na umuwi ng kani-kanilang lalawigan.
Nong Sabado muling nakapagtala ng panibagong record-breaking sa dagdag na kaso ng COVID-19 sa rehiyon, matapos umabot sa 205 ang bilang ng nadagdag na kaso.
MOST READ
LATEST STORIES