Antas ng tubig ng Angat dam nabawasan sa magdamag
Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 180.60 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (August 31) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 180.86 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 98.98 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.02 meters habang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.01 mas mataas sa antas nito kahapon na 78.98 meters.
Samantala, ang water level ng San Roque, Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.