Warehouse nasunog sa Caloocan

Tinupok ng apoy ang isang warehouse sa Barangay 171 sa Caloocan City.

Alas 2:52 ng madaling araw ngayong LUnes (Aug. 31) nang itaas sa 2nd alarm ang sunog.

Ang natupok na warehouse ay pag-aari ng The Original American Company.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga natupok nan ari-arian.

Alas 3:19 ng madaling araw nang ideklarang under control na ang sunog.

 

 

 

Read more...