Burgos, Ilocos Norte muling niyanig ng lindol

Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, naitala ang magnitude 3.6 na pagyanig sa 115 kilometers northwest ng bayan ng Burgos, alas-5:34 madaling araw ng Lunes (August 31).

May lalim na 29 kilometers at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Una ng niyan ig ng magnitude 3.8 at 3.0 na lindol ang Burgos, Ilocos Norte kaninang alas-3:36 at alas-3:50 ng madaling araw.

 

 

 

Read more...