Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 100 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-4:27 madaling araw ng Lunes (August 31).

May lalim na 15 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...