Burgos, Ilocos Norte niyanig ng magkasunod na lindol

Dalawang magkasunod na pagyanig ang naitala sa Ilocos Norte.

Ayon sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, unang naitala ang magnitude 3.8 na pagyanig sa 121 kilometers northwest ng bayan ng Burgos, alas-3:38 madaling araw ng Lunes (August 31) at may lalim na 32 kilometers.

Sumunod na naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 105 kilometers northwest ng bayan pa rin ng Burgos, alas-3:50 ng madaling araw at may lalim na 23 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...