Ayon sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers southeast ng bayan ng Kiblawan, ala-1:44 madaling araw ng Lunes (August 31).
May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Koronadal City; Bansalan and Magsaysay, Davao del Sur
Intensity II – Kidapawan City; General Santos City
Naitala rin ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity V – Malungon, Sarangani
Intensity IV – Koronadal City; Tupi, South Cotabato
Intensity III – General Santos City; Alabel, Sarangani
Intensity II – Kiamba, Sarangani
Inaasahan naman ang aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.