12 pang COVID-19 cases, napaulat sa Navotas City

Nadagdagan pa ng 12 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 8:30, Linggo ng gabi (August 30), umakyat na sa kabuuang 4,295 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 494 ang aktibong kaso o katumbas ng 12 porsyento.

23 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3,678 na ang total recoveries o 86 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Umakyat naman sa 123 ang pumanaw.

Read more...