Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Typhoon Julian sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, huling namataan ang bagyo sa layong 775 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan bandang 3:00 ng hapon.
Samantala, patuloy namang makakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Kanlurang bahagi ng Visayas at Luzon.
Dahil sa outer rainbands ng bagyo at Habagat, magdadala ito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa buong Luzon kabilang ang Metro Manila, Western Visayas at Samar provinces Linggo ng gabi.
Sa nalalabing bahagi ng bansa, asahan lamang aniya ang thunderstorms na magdadala ng pulo-pulong pag-ulan.
Ani Figuracion, inaasahang lalabas ang bagyo ng bansa sa Lunes ng gabi, August 31, o Martes ng madaling-araw, September 1.