Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 30, umakyat na sa 10,069 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,190 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Isa naman ang bagong gumaling kung kaya 6,124 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, walang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, nanatili sa 755 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,968 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,165 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 795 naman ang kaso sa Americas at 1,141 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.