Pangulong Duterte, may nakatakdang virtual conference sa King of Jordan

May nakatakdang virtual conference si Pangulong Rodrigo Duterte sa King of Jordan.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, ito ang dahilan kung kaya babalik na ng Malakanyang si Pangulong Duterte.

Umuwi ng Davao City si Pangulong Duterte noong August 3 ng gabi bago naging epektibo ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Go, tatalakayin ng dalawang lider kung paano tutugunan ng dalawang bansa ang pandemya sa COVID-19.

”Babalik na rin siya sa mga susunod na araw sa Manila at marami po siyang gagampanan. Merong virtual conference na inimbitahan siya ng King of Jordan tungkol sa fight against pandemic. Magsasalita po si Pangulo doon,” pahayag ni Go.

Read more...