Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, maayos naman kasi ang lagay ng Pangulo.
Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na huwag nang uminom ng alak dahil malapit nang maging stage 1 cancer ang kanyang nararanasang Barrette’s esophagus.
“Alam ninyo, mahigit 22 years na kaming magkasama ni Pangulo at halos taun-taon ko nang naririnig ang Barrett’s esophagus na ‘yan. Naikukuwento niya kung kani-kanino, ‘di naman ganun kalala. Nakukuwento niya na habang tumatanda tayo, marami nang ipinagbabawal,” pahayag ni Go.
Tiniyak ni Go na maayos na magagampanan ni Pangulong Duterte ang kanyang tungkulin at tatapusin ang termino ng hanggang 2022.
“Huwag po kayong mag-alala at ‘yung mga nagpapakalat ng balita, ‘wag po kayong mag-aalala, ‘di totoo ‘yun, at kayang-kaya ni Pangulong Duterte na tapusin ang kaniyang termino and live beyond his term,” pahayag ni Go.
“Siya po ang lider na nagti-timon sa atin — wala nang iba — upang tuluyang maiahon tayo sa krisis at maipagpatuloy ang mga pagbabagong nakamit na natin sa ilalim ng kanyang pamumuno. Alagaan natin s’ya at ipagdasal natin palagi ang kanyang mabuting kalusugan,” pahayag ni Go.