Ayon sa Phivolcs, unang yumanig ang magnitude 3.7 na lindol sa layong 150 kilometers Southeast ng nasabing bayan dakong 8:46 ng umaga.
95 kilometers ang lalim nito.
Makalipas ang mahigit isang oras, tumama naman ang magnitude 3.4 na lindol sa layong 107 kilometers Southeast ng Governor Generoso bandang 9:55 ng umaga.
117 kilometers naman ang lalim nito.
Kapwa tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.
Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala sa nasabing lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES