Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 25 milyon na

Sumampa na sa 25 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 25,165,653 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 6,139,078 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 3,846,965 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 3,539,712 naman ang kaso sa India habang 985,346 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 639,435
– South Africa – 622,551
– Colombia – 599,914
– Mexico – 591,712
– Spain – 455,621
– Chile – 408,009
– Argentina – 401,239
– Iran – 371,816
– United Kingdom – 332,752
– Saudi Arabia – 313,911
– Bangladesh – 308,925
– Pakistan – 295,372
– France – 272,530
– Turkey – 267,064
– Italy – 266,853
– Germany – 242,825
– Iraq – 227,446
– Philippines – 213,131

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 846,772 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 17,507,596 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...