Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 841,331 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 185,901.
Sumunod na rito ang Brazil na may 119,594 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 63,146 naman ang death toll sa Mexico habang 62,713 ang napaulat na nasawi sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 41,486
– Italy – 35,472
– France – 30,596
– Spain – 29,011
– Peru – 28,471
– Iran – 21,249
– Colombia – 18,767
– Russia – 16,914
– South Africa – 13,743
– Chile – 11,132
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 24,911,708 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 17,299,869 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.