Sa severe weather bulletin bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 850 kilometers Silangan ngTuguegarao City, Cagayan o 800 kilometers Silangan ng Casiguran, Aurora dakong 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.
Halos hindi kumikilos ang bagyo.
Sinabi ng PAGASA na wala namang lugar sa bansa na nakataas sa tropical cyclone wind signal.
Inaasahang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng gabi, August 31.
Ayon pa sa weather bureau, posibleng umabot sa typhoon category sa Sabado ng hapon o gabi, August 29.
MOST READ
LATEST STORIES