Cabangan, Zambales niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Zambales.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometers Northeast ng Cabangan dakong 11:15 ng umaga.

29 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa nasabing bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...