Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 22 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-5:28 hapon ng Biyernes (August 28).

May lalim na 129 kilometers at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Una ng niyanig ng magnitude 3.2 at 3.0 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental kaninang 12:45 ng tanghali at 4:22 ng hapon.

Read more...