Cavite Gov. Remulla humingi ng pang-unawa sa zoom sex scandal ng dalawang opisyal ng barangay

Humugot pa ng bilin sa Bibliya si Cavite Governor Jonvic Remulla ukol sa iskandalong kinasasangkutan ng dalawang opisyal ng barangay sa lungsod ng Dasmariñas.

Sinabi ni Remulla na ang mga perpekto lang sa lahat ng bagay ang maaring humusga sa kapwa at kung sino ang hindi kailanman nagkasala ang unang magbigay ng kanilang opinyon.

Paglilinaw naman nito na hindi niya kinukusinti ang ‘sex scandal’ ng barangay chairman at barangay treasurer.

“They are inexcusable and ignorant. What I am asking for, is a little compassion. I am sure the families involved are wounded and hurting deeply. Dala nila ang kahihiyan na ito habang buhay. The humiliation alone is enough punishment for those involved,” aniya.

Sinabi pa nito, hindi na kailangan pa na imbestigahan ang pangyayari dahil kapwa nagbitiw na ang dalawang opisyal.

Nanawagan din ito sa publiko na mag-‘move on’ na sa pangyayari.

 

 

Read more...