Ayon kay Marcos makatuwiran lang ang naging desisyon ng ERC sa pamumuno ni Chair Agnes Devanadera.
“Meralco boomeranged on its own mess. Its condescending attitude toward customers reaped its karma, after causing confusion, anxiety and inconvenience in the middle of a health and economic crisis,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs.
Magugunita na umani ng katakot-takot na batikos ang Meralco mula sa mga konsyumer bunga ng mataas na singil kahit walang isinagawang meter reading nang pairalin ang enhanced community quarantine.
Umaasa si Marcos na may natutunan na leksyon na ang Meralco sa pangyayari.
Paniwala ng senadora kailangan din linawin pa ng power distributor ang posibleng simula ng pagpuputol ng kuryente sa pagtatapos ng ‘four-month installment plan’ sa pagbabayad ng mga konsyumer.
Pinababantayan din ni Marcos ang posibilidad na ipasa din sa konsyumer ang multa na ipinataw ng ERC.