Kasabay nito, tiniyak ng namumuno sa Senate Committee on Finance na maipapasa nila ang 2021 national budget bago matapos ang kasalukuyang taon.
“We will be thorough in our review for that has always been the Senate way. We will not sacrifice scrutiny for speed. And I say this with confidence that we will meet the deadline of a well-crafted budget ready for the President’s signature long before the year ends,” aniya.
Banggit nito maaring sumentro ang paggasta ng gobyerno sa susunod na taon sa mga epekto ng COVID 19.
“As all funds to fight the pandemic will emanate from this spending bill, then it should be a fighting budget not a business-as-usual one. In a nutshell, the challenge is to pass a budget that will help the sick, the health system and the economy recover,” sabi pa ni Angara.
Pagtitiyak din nito na hindi magiging hadlang sa kanilang pagbusisi ang online hearings sa pagrepaso ng budget ng mga opisina ng gobyerno.