Mga lalawigan sa Luzon uulanin sa susunod na mga oras

 

Makararanas pa din ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang mga lalawigan sa Southern at Central Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory advisory ng PAGASA alas 2:21 ng hapon, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, Bulacan, Rizal, Tarlac, at Cavite.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Candaba, San Luis at Magalang sa Pampanga; Tayabas at Lucban sa Quezon; Los Banos at Calamba sa Laguna at sa Tanauan, Batangas.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

 

 

 

Read more...