Abra de Ilog, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 9 kilometers southwest ng bayan ng Abra de Ilog, alas-12:36 tanghali ng Biyernes (August 28).

May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin nito.

Naitala ang instrumental intensity 2 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...